include_once("common_lab_header.php");
Excerpt for Mga Kuwento ng Mahiwagang Burnay, Episode 1-21 by , available in its entirety at Smashwords




2018

Mga Kuwento ng Mahiwagang Burnay – Episode 1 to 21

“love lang…”

A COMPILATION MADE BY Jona Abecendario





Contents

EPISODE NO. 1 6

SAYAW 6

“BAWAT PAGSUBOK SA BUHAY AY MAY KAAKIBAT NA TAGUMPAY” 6

EPISODE NO. 2 9

TAXI DRIVER 9

“NASA KAMAY MO ANG SUSI NG IYONG TAGUMPAY DAHIL IKAW ANG MAY HAWAK SA MANIBELA NG IYONG PANGARAP” 9

EPISODE NO. 3 11

MS. CONSERVATIVE 11

“KAPAG SI JOWA AY NAGYAYA, BIBIGAY KA BA?” 11

EPISODE NO. 4 16

GARAPON NG BUHAY 16

“KAYA MO BANG ITAYA ANG BUHAY MO PARA SA KAPAKANAN NG IBA?” 16

EPISODE NO. 5 20

UNAN 20

“IPARAMDAM ANG PAGMAMAHAL HANGGANG MAY PAGKAKATAON” 20

EPISODE NO. 6 23

ANG MISTER KONG TAMBAY 23

“KUNG WALANG TRABAHO, PATATAMBAYIN MO PA RIN BA SA PUSO MO?” 23

EPISODE NO. 7 25

ABANDONADA 25

“MAWALA MAN SILANG LAHAT, HINDING-HINDI KA NIYA IIWAN” 25

EPISODE NO. 8 30

JEEPNEY 30

“TUNAY NGA NA SADYANG MAS MASARAP MAGLAKBAY KAPAG IKAW AY MAY KAHAWAK-KAMAY SA MASALIMUOT NGUNIT MASAYANG BIYAHE NG BUHAY” 30

EPISODE NO. 9 34

INSTANT DADDY 34

“PAANO KUNG UMAMIN ANG GIRLFRIEND MO NA BUNTIS SIYA PERO HINDI IKAW ANG AMA?” 34

EPISODE NO. 10 37

TIWALA 37

“KUNG TUMIKIM SIYA NG IBA, PATATAWARIN MO BA?” 37

EPISODE NO. 11 40

BANGUNGOT SA SINAPUPUNAN 40

“MAHIRAP MAGING INA, NGUNIT MAS MAHIRAP ANG MAUDLOT ANG IYONG PAGIGING INA” 40

EPISODE NO. 12 44

PAYABANGAN NG MGA LOLA 44

“HINDI KAYANG TAPATAN NG ANUMANG URI NG KAYAMANAN ANG PANAHON MONG ILAAN SA IYONG MAHAL NA MAGULANG” 44

EPISODE NO. 13 47

WHEN LOVE DIDN’T GIVE UP 47

“ANG TUNAY NA PAG-IBIG AY HINDI SUMUSUKO, MARUNONG MAGHINTAY AT HANDANG MAGSAKRIPISYO” 47

EPISODE NO. 14 50

TALIM NG SUGAT 50

“ANO BA ANG KAYANG GAWIN NG ISANG SUGATANG PUSO” 50

EPISODE NO. 15 51

DOG FOR SALE 51

“THE TRUE STORY OF SYLVESTER STALLONE” 51

EPISODE NO. 16 55

I LOVE YOU BEST 55

“PAANO KUNG MAFALL KA SA BESTFRIEND MO? MAGTATAPAT KA BA O ITATAGO NALANG ANG FEELINGS MO?” 55

EPISODE NO. 17 59

BAGYO 59

“KAPAG BINAGYO KA NG MGA PAGSUBOK SA BUHAY, HUWAG HINIHINTO AT MANLULUMO. DAHIL SA DULO NG MASALIMUOT NA PAGLALAKBAY AY ISANG MAALIWALAS NA BUKAS ANG NAGHIHINTAY.” 59

EPISODE NO. 18 62

MISSED CONNECTIONS 62

“LAHAT NG NANGYAYARI SA ATING BUHAY AY MAYROONG DAHILAN” 62

EPISODE NO. 19 66

YAYA 66

“HINDI NA MAHALAGA KUNG SAAN KA GALING, ANG IMPORTANTE AY KUNG SAAN MO GUSTONG MAKARATING” 66

EPISODE NO. 20 68

LABANDERA 68

“HUWAG BASTA-BASTA MAGTITIWALA” 68

EPISODE NO. 21 71

OVERTIME 71

“KUNG MANGYARI SA IYO ANG NANGYARI SA KANYA, MAG-OOVERTIME KA PA BA?” 71





















































“I was inspired to collate these stories and/or write-ups from “Mga Kuwento ng Mahiwagang Burnay”, and now bringing you this First 21 Episodes. I thank my favorite DJs, DJ Nicolehiyala and DJ Christsuper for inspiring me every single day, making and keeping me laughing and crying over and over again.



I hope you enjoy this e-Book compilation, like I did, and wait for my next issues of the “Mga Kuwento ng Mahiwagang Burnay” episodes.” Thank you, Lord! – jonski 





  • To God be all the Glory!

EPISODE NO. 1

SAYAW

BAWAT PAGSUBOK SA BUHAY AY MAY KAAKIBAT NA TAGUMPAY”



Kasagsagan ng makinang na karera ni Ma Li bilang professional ballerina nang maganap ang isang malagim na pangyayari. Isang car accident ang nagpabago sa dating masayang buhay ng dalaga nang magdulot ito sa kanya ng matinding pinsala. Nadurog ang kaliwang braso ni Ma Li bunga ng aksidente. Dahilan para ihinto ng dalaga ang pagsasayaw.



Labis na ininda ni Ma Li ang kanyang pisikal na karamdaman at kalungkutan. Kasabay nito ay iniwan pa siya ng kanyang kasintahan sa kabila ng kanyang kaawa-awa kalagayan. Dahil dito ay naisipan ni Ma Li ang magpakamatay. Subalit sa tulong ng kanyang mga magulang ay unti-unti siyang nakaahon mula sa malalang depresyon.


Bumangon si Ma Li sa pagkakalugmok. Ipinagpatuloy niya ang buhay sa kabila ng kanyang kapansanan. Isang oportunidad ang muling nagbukas para siya ay muling makapagtrabaho. Isang organisasyon ang kumuha sa kanya bilang coach ng isang children dance group. At dito muling nabuhayan ang puso ni Ma Li sa pagsasayaw.


Nang mawala ang isang braso ay nasira na ang balanse sa katawan ni Ma Li. Kaya natagalan pa bago niya muling nakuha ang tamang technique sa isang simpleng pag-ikot nang hindi nabubuwal. Subalit dahil sa pagtitiyaga, sa huli ay naibalik din ni Ma Li ang kanyang indayog sa pagsasayaw. Makalipas ang limang taon ay naimbitahan siyang sumali sa isang performing arts competition para sa mga may kapansanan. Sa patimpalak ay nakuha niya ang gintong medalya. Pagkatapos ng tagumpay na ito ay nagbalik-entablado si Ma Li para muling magsayaw ng ballet.


Unti-unti nang naibabalik ng tadhana ang mga ngiti sa labi ng dalaga. At lalo nanumbalik ang sigla ni Ma Li nang makilala niya ang binata na si Li Tao. Sa umpisa ng panliligaw ng binata ay pilit na umiiwas si Ma Li. Natatakot kasi siya na baka muling masaktan. Subalit hindi nawalan ng pag-asa si Li Tao.


Pinatunayan niya kay Ma Li na tapat ang kanyang pag-ibig. Dahil dito ay tuluyan nang nahulog ang loob ng dalaga at naging magkasintahan ang dalawa.


Si Li Tao ang tumayong agent para sa mga pagtatanghal ni Ma Li hanggang sa makilala nila ang binata na si Zhai Xiaowei. Gaya ni Ma Li, ang binatang si Zhai ay mayroon ding kapansanan. Apat na taong gulang ito nang maputol ang kaliwang binti matapos aksidenteng mahulog sa isang trak. Subalit nanatiling positibo si Zhai at nakahiligan pa ang sports. Nang makilala niya si Ma Li ay kasalukuyan siyang nagte-training bilang siklista para sa national special olympics. Nang malaman ni Ma Li ang istorya ni Zhai ay inalok niya itong subukan ang pagsasayaw. Kinumbinsi niya itong sumayaw ng ballet kasama niya para magbigay ng inspirasyon sa mga tao. At kahit na hindi pa nasusubukan ang pagsasayaw ay pumayag din si Zhai na makapareha si Ma Li.


Inumpisahan na ng dalawa ang pag-eensayo. Nagsasanay sila araw-araw mula alas otso ng umaga hanggang alas onse ng gabi. Sa umpisa ay naging mahirap para kay Zhai ang pagsasayaw ngunit dahil sa dedikasyon ng magkasintahan para turuan siya ay naging pulido rin sa huli ang kanyang mga kilos para sa performance. At matapos ang isang taong pag-eensayo ay sinubukan nina Zhai at Ma Li na sumali sa isang national dance competition sa China TV. Sila ang kauna-unahang mga mananayaw na may kapansanan na sumali sa patimpalak. Hindi nila ikinahiya ang kanilang kalagayan na naging dahilan pa para makuha nila ang simpatya ng mga manonood. Subalit hindi sila sumali para kaawaan. Pinatunayan nina Zhai at Ma Li ang kanilang natatanging galing sa pagsasayaw. At halos mapaluha ang lahat habang pinapanood ang kanilang pagtatanghal, isang putol ang braso at isang pilay na buong pusong sumasayaw at nagpapamalas ng talento sa entablado.



Bukod sa mga palakpakan ng mga tagahanga ay naiuwi nina Zhai at Ma Li ang silver medal sa pagtatapos ng kompetisyon. Nakuha rin nila ang pinakamaraming boto ng mga manonood at naging instant celebrity ng mga oras na iyon.


Tagumpay sina Zhai at Mali sa kanilang hangarin na maging inspirasyon para sa iba. Pinatunayan nila na hindi kayang hadlangan ng kapansanan ang taong may pusong palaban at walang pag-aalinlangan. Kung marunong kang sumayaw sa pagsubok ng buhay ay tiyak na makakamit ang matamis na tagumpay.


Ang kwentong ito ay hango sa tunay na karanasan nina Ma Li at Zhai Xiaowei, mga dakilang ballet artist ng bansang China. Ang makabagbag-damdaming performance nila na pinamagatang “Hand in Hand” ay mapapanood sa youtube at patuloy ang pagtabo ng maraming hits.











EPISODE NO. 2

TAXI DRIVER

NASA KAMAY MO ANG SUSI NG IYONG TAGUMPAY DAHIL IKAW ANG MAY HAWAK SA MANIBELA NG IYONG PANGARAP”



Tila kasing lala na ng trapik sa Edsa ang problema ng taxi driver na si Roy. Sa maghapon kasi na paggalugad niya sa bawat sulok ng Metro Manila ay hindi pa rin niya kinikita ang pang-boundary. Ilang linggo nang matumal ang byahe ni Roy kaya hindi niya maiwasan ang mag-alala lalo na’t malapit na naman ang bayaran ng kanyang matrikula sa eskwela.

Pinagsasabay ni Roy ang pagtatrabaho at pag-aaral. Taxi driver siya sa gabi at estudyante naman sa umaga. Bagamat mahirap ay walang siyang planong umatras sa kanyang pangarap, ang makatapos ng pag-aaral at maging isang abogado balang araw.


Tubong Bohol si Roy na anak ng isang karpintero. Sampung taong gulang siya ng makulong ang kanyang ama kaya solong katawan silang itinaguyod ng kanyang ina. Sadyang maliit lamang ang kinikita ng nanay niya sa paghahabi ng tela kaya napilitan siyang tumulong dito sa pamamagitan ng pagpasok bilang katulong. Sa kabila nito ay hindi pinabayaan ni Roy ang kanyang pag-aaral. Sinikap niyang maka-graduate ng elementary, high school at kursong political science sa University of Bohol.


Matapos nito ay nakipagsapalaran si Roy sa Maynila para ituloy ang pangarap niya na maging abogado. Bitbit ang diploma at lakas ng loob ay sinuong ni Roy ang masalimuot na buhay sa siyudad. Samu’t saring trabaho ang kanyang pinasok makapag-ipon lamang ng pantustos sa pag-aaral. Nasubukan ni Roy ang maging tauhan sa isang karinderya, carwash boy, sorbetero at pagiging taxi driver. Nang makaipon ng pang down payment sa matrikula ay pikit-mata siyang nag-enrol ng kursong abogasya sa isang unibersidad.


Hindi madali para kay Roy ang pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral. Madalas siyang kapusin sa pera dahil sa hirap ng buhay. Mabuti na lamang at may mga kaibigan, kaiskwela at mga dating amo si Roy na nagbibigay ng konting tulong sa kanya maitawid lang buwanang gastos sa pag-aaral.


At matapos ang ilang taon pagpapagal ay nagbunga na ang mga paghihirap ni Roy. Taong 2013 nang matanggap ni Roy ang isang napakagandang balita,


“Roy, congratulations, pasado ka sa bar exam!” sabi ng professor ni Roy.

Halos hindi makapaniwala si Roy sa kanyang narinig. Dali-dali siyang nag-online para kumpirmahin kung totoo ang balita. At nang makita niya ang listahan ng mga nakapasa sa bar exam ay tila huminto ang mundo niya . Halos tumulo ang kanyang luha nang mabasa niya sa listahan ang pangalan niya. Sa sobrang tuwa ay agad siyang tumawag sa probinsiya para ibalita sa mga kamag-anak ang kanyang tagumpay.


“’Nay, mga kapatid, abogado na ako! Simula ngayon ay makakaahon na tayo!” sabi ni Roy sa telepono.

Sa kanyang pagtatapos noong March 2013, ideklara ang dating taxi driver si Roy bilang isang ganap na abogado. Naging baku-bako man ang daan ay tagumpay pa ring nakatawid si Roy patungo sa kanyang pangarap. Nakakapagod man ang biyahe ay nakarating pa rin siya sa kanyang destinasyon na maging isang dakilang abogado.


Sa ngayon, si Atty. Roy ay isa nang supervising counsel sa Free Legal Aid Division ng Adamson University. At bilang pagtanaw ng pasasalamat sa mga natanggap na biyaya ay lingu-lingo din siyang nagsasagawa ng libreng serbisyong legal para sa mga mahihirap sa ilalim ng isang NGO.


Gaya ni Atty. Roy, ang bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang biyahe sa buhay. Ikaw ang driver na magdidikta sa kung saan mo gustong makarating. Nasa kamay mo ang susi ng iyong tagumpay dahil ikaw ang may hawak sa manibela ng iyong pangarap.


Ang kwentong ito ay hango sa tunay na karanasan ng taxi driver turned lawyer na si Atty. Rosalio “Roy” Torrentira ng Inabanga, Bohol (Adamson University Law Graduate Batch 2013).



















EPISODE NO. 3

MS. CONSERVATIVE

KAPAG SI JOWA AY NAGYAYA, BIBIGAY KA BA?”



Ako si Carmina. Lumaki ako sa isang conservative family. Bawal magsuot ng revealing, bawal tumawa ng malakas, bawal mag gay Linggo, bawal mag make up, kahit nga mag biro ng wala sa lugar bawal eh, maraming bawal at lalong lalo nang bawal ang mag boyfriend. Papayagan lang daw nila akong makipagrelasyon kapag 25 years old na ako para mature na raw ako mag isip at hindi maloloko ng lalake.


But I broke their rules. I secretly had a boyfriend, si Stephen at blockmate ko siya sa FEU. Niligawan nya ako for almost 2 years.



Noon kasi ay ayaw ko pa talagang mag boyfriend pero nung tumungtong ako sa 4th year medyo naiinggit ako sa mga friends ko na may partners. I also fell inlove with him kasi ang tiyaga nyang mangligaw. Ilang beses ko na siyang binasted, ilang beses finriend zoned, ilang beses tinaboy pero hindi siya sumuko. Hindi rin siya tumigil sa pag eeffort.


To make the long story short, naging kami ni Stephen.


And 1 year na kami ng nagsimula siyang humingi ng halik pero palaging NO! ang sagot ko. Baka kasi sa iba na mapunta kapag pinagbigyan ko ang gusto niya. Umabot kami ng 3 years na walang kiss-kiss sa lips wala.


One time ay naglambing sa akin si Stephen at hiniling ang isang bagay na pinaka-iiwasan ko...

“Carmina, tutal graduate na tayo at pareho na tayong may trabaho ngayon, baka pwede na nating gawin yung normal na ginagawa ng mga taong nagmamahalan. Baka pwede mo na akong pagbigyan. Hindi na naman tayo mga bata eh. At hindi naman kita lolokohin eh.Bukas, mag-isa lang ako sa bahay. Susunduin kita sa office niyo,” sabi ni Stepehen.


“NO! Hindi pwede. Kailangan nating maghintay hanggang sa makasal tayo. Paano kung mabuntis mo ako? Tiyak na papatayin ako nila Mommy at Daddy. Kung talagang mahal mo ako ay irerespeto mo ang gusto ko at ang gusto ng parents ko. Kasal muna bago kama. Matuto kang maghintay. Maligo ka na lang para mawala yang init ng katawan mo,” sagot ko sa boyfriend ko.

Simula nuon ay hindi na ako muling kinulit ni Stephen tungkol dito. Nagawa niyang maghintay kaya hindi na namin ito pinagtalunan. Pero bago dumating ang 5th anniversary namin, nakatanggap ako ng isang tawag mula sa isang kaibigan, kay Aileen.


“Carmina, pwede ba tayong magkita? May kailangan kasi akong sabihin sayo. Hindi na kaya ng konsensya ko kaya magtatapat na ako. May relasyon kami ng boyfriend mo. Mag-iisang taon na. Sorry, bes dahil nagtaksil ako sayo, “sabi ni Aileen sa telepono.


“Bes, joke ba to? Totoo ba yang sinasabi mo?” sabi ko kay Aileen.


“Alam kong mahirap paniwalaan? Pumunta ka ngayon dito sa condo ko para malaman mo ang totoo. I’m sorry, bes...” sabi ni Aileen sabay baba ng telepono.


Dali-dali akong pumunta condo ni Aileen. And when I was writing my name on the guest list, I saw my boyfriend's name on it. Dito na ako nagsimulang manghina. Kinakabahan na ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Biglang nanglambot ung tuhod ko. Natatakot ako sa susunod na makikita ko.


Habang nasa elevator ako ay nagdadasal na ako na sana hindi totoo ang lahat ng ito. Sana ay masamang biro lang. Nanginginig ako sa galit hanggang sa makarating ako sa unit ni Aileen.

Kumatok ako sa pinto pero walang nagbukas sa akin. Inikot ko ang doorknob at naiwan niyang bukas ang pinto. Pag bukas ko ng pinto ay na-shock ako sa bumungad sa akin...


Nakita ko na nakaupo sa sofa si Aileen at ang boyfriend ko na si Stephen. Dito na unti-unting pumatak ang luha ko sa sobrang galit. Pero bago pa ako makapagsalita ay bigla na lamang inilabas ni Stephen ang isang boquet ng bulaklak at isang maliit na kahon na may singsing. Lumuhod siya sa akin at sinabi,”


“Happy 5th Anniversary, baby. Baby, will you marry me,”


Purchase this book or download sample versions for your ebook reader.
(Pages 1-12 show above.)